Mistrial? Ilang taga-Kamara nabulaga sa resulta ng botohan sa ABS-CBN franchise | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mistrial? Ilang taga-Kamara nabulaga sa resulta ng botohan sa ABS-CBN franchise

ABS-CBN News
Published Jul 11, 2020 07:33 PM PHT
|
Updated Jul 11, 2020 08:37 PM PHT

MAYNILA - Ikinagulat ng ilang mambabatas, partikular na sa Kamara, ang kinalabasan ng naging botohan sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa.

Si Batangas 6th District Rep. Vilma Santos-Recto, nagulantang na kakaunti lang ang naging boto.

Isa si Santos-Recto sa 11 na bumoto tutol sa rekomendasyon ng technical working group ng Kamara na huwag bigyan ng prangkisa ang network.

“Alam ko po kahit papaano maraming sumusuporta sa bill na ito na inilalaban namin. Bakit kami biglang kumonti ng ganito, very significant naman na kami’y labing-isa. So may mga ganiyang palakad na kung minsan di natin matatanong o makukuwestiyon ?” ani Santos-Recto.

ADVERTISEMENT
Si House Minority Leader Benny Abante, sinabing inaasahan nila na nasa 25 hanggang 30 ang boboto pabor sa pagusad ng franchise application ng ABS-CBN, bagama't hindi siya nagulat na mas marami ang tututol sa pag-usad ng prangkisa nito.

"Actually I am not surprised na mananalo yung hindi pabor sa franchise pero what surprised me ay 11 lang kami. Imagine out of 85, 11 lang kaming bumoto. I was expecting na at least magiging 25 o 30 kami,” ani Abante.

Para kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, “mistrial” ang nangyari.

“Hindi sila nakinig eh sa tinig ng bayan. Hindi naman sila sumunod sa tamang paraan. Hindi nilang ginawang tama ang pagdinig,” ani Atienza.

Aabot sa 70 ang bumoto pabor sa rekomendasyon ng technical working group, na iginiit na may mga ginawang paglabag ang network.

Sa ulat, anim na isyu ang sanhi ng pagkawala ng prangkisa ng network.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo na naniniwala siyang dapat mabigyan ng tyansa ang network na maibalik ang prangkisa nito.

Pinirmahan ni Quimbo ang report pero isinulat ang “I dissent” bilang pagtutol sa mga nilalaman nito.

“I believed ABS-CBN should be given a chance to come back. I accept it's not a perfect company but it's not enough reason to close the homes of thousands of workers and the main source of news and information and entertainment of the audience,” ani Quimbo.

Giit niya, hindi sapat ang ano mang mga nilagay na dahilan para mawalan ng trabaho ang mga manggagawa nito at mawalan ng access sa balita, impormasyon, at entertainment ang mga manonood.

Palaisipan din ngayon kung paano ginawa o binuo ang TWG.

Nilinaw naman ng ibang kongresista gaya nina Lawrence Fortun at Edcel Lagman na hindi sila nakaboto dahil hindi sila miyembro ng House Legislative Committee on Franchises

Nanindigan si Lagman na dapat bigyan ng prangkisa ang network.

“I remain steadfast in my advocacy that ABS-CBN is entitled to a fresh franchise because it has not violated the Constitution... I shall in due time make a point-by-point rebuttal of the off-tangent assessments made by the TWG on the major issues raised against ABS-CBN,” aniya.

Ipinaliwanag ni Antique Rep. Loren Legarda na nag-inhibit siya sa pagboto para makaiwas sa ano mang conflict of interest.

““The manifestation... i deem it appropriate to refrain from participating in view of any potential conflict of interest, whether directly or indirectly, in so promoting my advocacy through this project,” aniya.

Maaalalang naging reporter at anchor si Legarda ng network.

— Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
TV Patrol Top
Kamara
ABS-CBN franchise
ABS-CBN franchise voting
Congress franchise voting
franchise voting Congress
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT