Shabu na nasabat ng PDEA may halong kemikal panlinis ng kubeta | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Shabu na nasabat ng PDEA may halong kemikal panlinis ng kubeta

Shabu na nasabat ng PDEA may halong kemikal panlinis ng kubeta

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Mas mapanganib na umano ngayon ang mga ilegal na drogang kumakalat dahil hinahaluan na ito ng mga kemikal na maaaring agad makamatay, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sa raid ng PDEA sa umano'y drug den sa Mandaluyong, nakitaan nila ang higit 66 gramong shabu na nakumpiska ng 19 na gramo ng oxalic acid crystals, isang bleaching agent na ipinanghahalo sa mga panlinis ng kubeta o pantanggal ng kalawang.

Paliwanag ni PDEA Director General Aaron Aquino, ginagamit ng mga gumagawa ng ilegal na droga ang naturang kemikal bilang "extender" o pamparami ng laman, lalo't hawig ang itsura ng oxalic acid crystals sa shabu.

Sabi ni Aquino, ito ang kauna-unahang pagkakataong nakasabat ang PDEA ng ganitong halo sa shabu. Kapag nakapasok sa katawan, maaari aniya itong magdulot ng sakit sa bato, gastrointestinal disorders at tuluyang pagkamatay.

ADVERTISEMENT

Sa bisa ng search warrant, nakuha umano ng mga operatiba ng PDEA ang mga ilegal na droga mula sa bahay ng mga suspek sa Barangay Addition Hills. Pinangangambahan ng PDEA na marami na ang nakatikim nito sa naturang drug den.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.