Bawang, biglang nagmura nang magbanta ang Senado ng imbestigasyon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bawang, biglang nagmura nang magbanta ang Senado ng imbestigasyon

ABS-CBN News
Published Jul 11, 2017 07:04 PM PHT
|
Updated Jul 12, 2017 09:43 PM PHT

Biglang bumaba ang presyo ng bawang sa palengke matapos ang biglaang pagmahal din nito noong Mayo.

Sa Balintawak market, bumaba na sa P70- P90 ang kilo ng bawang matapos umakyat ng P200 kada kilo noong Mayo.

Para sa Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), bumagsak lang ang presyo dahil nakarating sa Senado ang isyu.

Ayon kay Rosendo So, chairman ng SINAG, maaaring may kinalaman sa pagbaba ng presyo ng bawang ang planong imbestigasyon ng Senado.

ADVERTISEMENT
Sa pagdinig kahapon, gusto na ni Senador Cynthia Villar na imbestigahan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Bureau of Plant Industry (BPI).

Sabi ni Villar, bigo ang ahensiya na sugpuin ang kartel na hinihinalang nasa likod ng pagtaas sa presyo ng bawang.

Pero para sa BPI, wala silang pagkukulang.

Saglit lang umanong umabot ng P200 ang presyo at bumaba naman agad pagkatapos pulungin ng Department of Agriculture (DA) ang mga importer at trader.

Paglilinaw pa ng BPI, mandato ng ahensiya na siguruhing malinis ang produktong papasok sa Pilipinas.
Paglilinaw pa ng BPI, mandato ng ahensiya na siguruhing malinis ang produktong papasok sa Pilipinas.
ADVERTISEMENT
Pero ayon sa PCC, isang indikasyon ng kartel ang biglaan pero sandaling pag-akyat ng presyo.

Gayumpaman, kailangan pang tingnan ang takbo ng presyo sa pandaigdigang merkado, supply base sa panahon ng taniman, at dami ng inaprubahang angkatin ng DA bago masabing kartel talaga ang nasa likod ng biglaang pagbabago ng presyo.

Nauna nang sinabi ng DA na tumaas ang presyo dahil hindi bumili ng bawang ang ibang importer bunsod ng mataas na presyuhan sa world market.

Bumaba umano ang presyo dahil dumating na ang mga shipment ng bawang noong Hunyo.

--Ulat ni Carolyn Bonquin, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT