Traffic sa EDSA inaasahan sa simula ng paniningil sa Skyway Stage 3 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Traffic sa EDSA inaasahan sa simula ng paniningil sa Skyway Stage 3

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published Jul 10, 2021 09:31 AM PHT

MAYNILA - Inaasahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagdami muli ng sasakyang gagamit ng EDSA simula Lunes, dahil sa pagpapatupad ng paniningil sa mga dumaraan sa Skyway Stage 3.

Dahil dito, sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na inaayos na nila ang 19 na 'mabuhay lanes' o mga ruta na maaring daanan bilang alternatibo sa EDSA.

"Kung sa Monday ay medyo sumikip ng konti sa EDSA, please consider these Mabuhay Lanes. Maganda ito, shortcut ito. It's practically simple. Kung galing ka norte at punta ka south, dito ka na dumaan. This is alternative route," pahayag ni Abalos.

Naglagay ng mga bagong karatula sa iba't ibang kalsada na itinakdang Mabuhay Lanes para hindi malito ang mga motorista.

Plano rin ng ahensya na magsagawa muli ng clearing operation para lumuwag ang mga kalsada. Kailangan lang din ng koordinasyon sa mga barangay dahil maraming kalsada ang may mga tolda at iba pang harang na ginamit dahil sa pandemya.

"'Yung ibang mga espasyo ginamit ng LGU. Di natin masisisi dahil 'yung iba para sa bakuna na apektado sila, 'yung iba naman naparadahan papunta sa bakuna center. We want to make sure before Monday all of these routes are very clear and very clean for everyone," sabi ni Abalos.

Nakikipag-usap na ang MMDA sa mga mayor sa Metro Manila para maayos ang problema ng trapik sa lugar. Pero wala pa naman aniya planong ibalik ang number coding scheme, maliban sa Makati.