Labi ng piloto ng nag-crash na C-130, naiuwi na sa Batangas | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Labi ng piloto ng nag-crash na C-130, naiuwi na sa Batangas

ABS-CBN News
Published Jul 10, 2021 05:13 PM PHT
|
Updated Jul 10, 2021 05:44 PM PHT

LIPA CITY—Naiuwi na sa Batangas ang mga labi ni Major Emmanuel Makalintal, flight examiner at piloto ng bumagsak na C-130 transport plane sa bayan ng Patikul, Sulu noong Hulyo 4.
Isa lamang si Makalintal sa 52 katao, kabilang ang 49 military personnel at 3 sibilyan, na naswai sa insidente.
Ayon kay Capt. Mark Ferdinand Villamin, Public Information Office ng Air Education, Training and Doctrine Command Sabado ng umaga dumating sa Batangas ang mga labi ni Makalintal at agad na idineretso sa punerarya.

Hindi na ito ipinasok sa Fernando Airbase sa Lipa dahil na rin sa kahilingan ng pamilya, kaya agad na itong idineretso sa bayan ng San Jose.

Para naman makapagbigay-pugay pa rin kay Makalintal, nagsagawa ang AETDC ng formation sa labas ng Fernando Airbase na dinaluhan din ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste.
Biyernes ng hapon nang dumating sa Villamor Airbase sa Pasay City ang mga labi ni Makalintal.

Si Makalintal ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 2007. — Ulat ni Andrew Bernardo
Si Makalintal ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 2007. — Ulat ni Andrew Bernardo
ADVERTISEMENT
Read More:
Emmanuel Makalintal
C130 pilot
Sulu crash
military plane crash
Tagalog news
Regional news
Batangas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT