Baha at landslide, naranasan sa Davao City | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baha at landslide, naranasan sa Davao City

ABS-CBN News
Published Jul 10, 2021 04:31 AM PHT

Umapaw ang Bunawan river sa Bunawan District, Davao City na naging sanhi ng pagbaha sa ilang barangay sa distrito Biyernes ng umaga.

Ayon kay Alfredo Baloran, hepe ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, aabot sa 71 pamilya ang inilikas sa tatlong purok sa Barangay Bunawan Proper.

Apektado rin sa pagbaha ang Barangay San Isidro, Barangay Lasang, maging ang ilang barangay sa Calinan district.

Rumesponde naman ang mga rescuer ng Davao City Central 911, Bunawan Police Station, Bureau of Fire Protection, Task Force Davao, at Coast Guard Davao.

ADVERTISEMENT
Gumamit ng rubber boat at rescue equipment ang Central 911 sa pagsagip sa mga pamilya at indibidwal na na-trap sa kanilang binahang bahay simula pa madaling araw.

Stranded din ang mga motorista na patungong Davao del Norte dahil sa pag-apaw ng ilog sa kalsada, pero nakadaan din matapos humupa ang tubig.

Sa Barangay Mandug, napuno ng putik at kahoy ang kalsada sa Sitio Ilihan matapos gumuho ang lupa. Pero madaanan na simula alas 9 ng umaga pagkatapos ng clearing operations.

Nagsimula ang pag-ulan sa malaking bahagi ng lungsod Huwebes ng gabi, na ayon sa PAGASA ay epekto ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

—Ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT