FDA nagbabala vs pagbili ng di aprubadong skim milk powder | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

FDA nagbabala vs pagbili ng di aprubadong skim milk powder

FDA nagbabala vs pagbili ng di aprubadong skim milk powder

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbabala ang Food and Drug Adminstration sa pagbili ng skim milk powder sa bansa na hindi nila aprubado.

Kasunod ito ng paglabas ng isang pag-aaral ng mga dalubhasa sa University of the Philippines na sa 27 skim milk powder products na mabibili dito sa Pilipinas, iisa lang ang totoong skim milk powder.

Ang iba anila ay mataas ang fat content o kaya hindi malaman kung saan galing ang sangkap.

“Pag sinabing skim, mababa ang fat, merong corresponding percentage ng fat. Pag sinabi mong milk, ang importanteng property dyan ay protina, so may corresponding amount ng protein dapat,” ani Dr. Lotis Francisco ng UP Department of Food Science and Nutrition.

ADVERTISEMENT

“Iisa lang po dun sa aming 27 samples ang merong declaration ng nutrition facts so masasabi ko eh talagang gatas ito, mataas ang protina nya, low fat talaga sya, kasi yung fat nya ay mababa. Pero yung iba ay wala po,” dagdag ni Francisco.

Nang kuhanin ng ABS-CBN News ang panig ng Food and Drug Administration, natuklasan din na may tatlong brands ng skim milk powder na ibinebenta pero hindi naman talaga skim milk powder.

"'Yung Dairy Bake, registered sila sa FDA pero registered sila as raw materials, not as milk products na dapat na ibenta na gagamitin as milk. So hindi sila registered for that, raw material sila naka-register. ‘Yung La Crema skimmed powdered milk enhancer, saka blend skimmed milk blend, na talagang hindi talaga skimmed milk powder, based pa lang dun sa product name,” ani FDA Director-General Eric Domingo.

Sinang-ayunan din ng FDA ang obserbasyon ng mga nagsasaliksik sa UP na walang impormasyong nakasulat sa balot ng produkto para malaman ng konsyumer na skim milk powder ang kanilang binibili.

"Ang gagawin ng FDA maglalabas tayo ng advisory at itong mga produkto na hindi sumusunod sa ating mga panuntunan saka requirements, we will have to confiscate them. At ah papaalalahanan natin syempre ang publiko na hindi ito dapat for consumption,” ani Domingo.

Ikinakasa na rin ng tanggapan ang mga susunod na hakbang para maproteksyunan ang mga PIlipino sa patuloy na pagkalat ng mga umano’y mapanglinlang na skim milk powder.

— Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.