Mga estudyanteng nahilo, nahimatay dahil sa lindol, umabot na sa 175 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga estudyanteng nahilo, nahimatay dahil sa lindol, umabot na sa 175

Mga estudyanteng nahilo, nahimatay dahil sa lindol, umabot na sa 175

Vina Araneta,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 10, 2019 04:45 PM PHT

Clipboard

(UPDATE) Umabot na sa 175 na mga mag-aaral ang nakaranas ng pagkahilo at nahimatay dala ng sobrang takot sa naramdamang lindol sa Toril, Davao City, Miyerkoles ng umaga.

Nilinaw din ng pamunuan ng Crossing Bayabas National High School at ng pulisya na walang naganap na stampede.

Alam umano ng mga estudyante ang kanilang gagawin dahil nagsasagawa naman sila ng earthquake drills. Pero hindi nila inaasahan na magiging ganon ang reaksiyon ng mga bata.

Agad rumesponde ang mga kawani ng 911 emergency rescue team at nilapatan ng paunang lunas ang mga nahimatay na estudyante. Ang iba naman ay dinala sa tatlong ospital sa lungsod.

ADVERTISEMENT

Dahil sa insidente, napasugod sa mga eskuwelahan ang mga magulang para makita ang kalagayan at maiuwi na ang kanilang mga anak.

Ayon sa isang nahimatay, nahilo siya habang nasa open grounds matapos na lumikas sa kanilang silid-aralan habang nararamdaman ang lindol.

Isa pang estudyante ang nagsabing nag-panic ang mga nahimatay habang lumilindol.

Sa kabila ng nangyari, tuloy ang klase sa nasabing paaralan Miyerkoles ng hapon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.