4 anyos, patay nang aksidenteng mabaril sa buy-bust operation

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Posted at Jul 10 2018 05:17 PM | Updated as of May 12 2019 03:57 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

CEBU CITY (UPDATE) - Patay ang isang apat na taong gulang na bata matapos na aksidenteng mabaril habang may anti-drug operation ang mga pulis ng Carbon Police Station.

Isinugod sa Cebu City Medical Center ang bata ngunit binawian din ng buhay.

Klinaro ng pulisya na hindi baril ng kasamahan ang pumutok kundi baril mismo ng suspek.

May nahulog 'di umano sa mga suspek mula sa isang footbridge at nakalabit ang baril kaya aksidenteng tumama ang bala sa bata na nasa kabilang kwarto.

Ayon sa pulisya, may natanggap silang report na may nagre-repack ng droga sa lugar. Rumesponde sila ngunit nabisto umano ng mga suspek kaya biglang bumunot ng baril ang mga ito at nagsimula ang palitan ng putok.

--May ulat ni Joworski Alipon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.