P131 milyong halaga ng umano’y mga pekeng sigarilyo kinumpiska sa Subic | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

P131 milyong halaga ng umano’y mga pekeng sigarilyo kinumpiska sa Subic

P131 milyong halaga ng umano’y mga pekeng sigarilyo kinumpiska sa Subic

ABS-CBN News

Clipboard

Nakalagay sa tatlong 40-foot container ang 3,160 master cases ng mga pekeng sigarilyo. Handout
Nakalagay sa tatlong 40-foot container ang 3,160 master cases ng mga pekeng sigarilyo. Handout

Higit sa P131 milyong halaga ng mga umano’y pekeng sigarilyo ang nasamsam ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) sa Subic Bay Freeport, Zambales noong Lunes.

Nakalagay sa tatlong 40-foot container ang 3,160 master cases ng mga pekeng sigarilyo.

Ayon kay Maritess Martin, district collector doon, ang pagkadiskubre at pagkakumpiska ng mga pekeng sigarilyo ay resulta ng pinagsamang surveillance operations ng BOC-Subic at intelligence group sa profiling of shipments na may katulad na deklarasyon.

Nag-order ang BOC ng mabilisang issuance ng Pre-Lodgement Control Order sa shipment noong Lunes.

ADVERTISEMENT

Ang nasamsam na mga sigarilyo ay hindi kasama sa mga brand ng sigarilyo sa listahan ng Bureau of Internal Revenue at List of Registered Importers of Cigarettes Brands.

Dagdag ng BOC, peke ang ginamit na pangalan ng consignee, kaya naglabas sila ng warrant of seizure and detention sa shipment bilang paglabag sa National Tobacco Administration Circular at BIR Revenue Memorandum circular at paglabag sa Republic Act No. 10863 sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

– Ulat ni Rod Izon

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

Imee Marcos: Sara Duterte impeachment trial not urgent

Imee Marcos: Sara Duterte impeachment trial not urgent

RG Cruz,

ABS-CBN News

Clipboard

Reelectionist Senator Imee Marcos on Saturday said the impeachment trial of Vice President Sara Duterte is not urgent, noting that the House of Representatives took 2 months before sending it to the Senate for trial.

Marcos, a known friend and ally of Duterte, said this was the collective decision of the Senate.

"Hindi, magkasabay kami ng buong Senado na pinagkaisahan na siguro ipa ipa-Hulyo na lamang dahil kasi, yun nga, dalawang taon na namin naririnig yan, dalawang buwan na nakatengga dyan sa Kongreso. Bakit naman last minute pinadala sa amin? Huwag naman ganun," Marcos said in a campaign appearance in Batangas on Saturday, which coincided with the Alyansa Para sa Bagong Pilipinas' campaign sortie in Carmen, Davao del Norte.

"Kaya kami, palagay namin di naman siya urgent kasi nag-antay sila ng dalawang taon. Tapos nung napila na, dalawang buwan naman, aba'y siguro hindi urgent. At saka na lang, sa Hulyo na lang."  

ADVERTISEMENT

Responding to a question about whether she believed electoral surveys or not, Marcos expressed preference to just focus on campaign work.

"Mas maigi, magtrabaho na lamang. Pero biro ko nga, lahat ng senador nandoon sa ibang lugar, ako lang ang narito kasi mas type ko ang barako, ayan. Feel na feel ko dito,” Marcos said.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.