PatrolPH

Umano'y drug pusher, patay matapos 'manlaban' sa CamSur; P1.1-M halaga ng shabu, nasabat

ABS-CBN News

Posted at Jul 09 2021 11:12 PM

Patay ang isang 40-anyos na itinuturong tulak ng ilegal na droga nang manlaban umano siya sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Naga City, Biyernes ng umaga.

Ayon sa pulisya, gumanti lang sila nang magpaputok ng caliber .45 na baril ang suspek na si Alvin Pala habang nagtatangkang tumakas matapos matunugan na mga pulis ang kausap.

Nasa 150 gramo ng shabu na may halagang P1.1-milyon ang nabili ng pulisya kay Pala umano sa buy-bust operation sa Brgy. Concepcion Pequeña.

Notorious drug dealer ang suspek na residente ng Brgy. Kinalansan sa San Jose, Camarines Sur dahil kaya niyang magbenta ng hanggang 500 gramo ng shabu sa loob ng isang linggo, ayon sa pulisya.

—Ulat ni Jonathan Magistrado

KAUGNAY NA BALITA

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.