Ilang mag-aaral 'sinapian ng masamang espiritu' sa Bacolod | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang mag-aaral 'sinapian ng masamang espiritu' sa Bacolod

Marty Go,
ABS-CBN News
Published Jul 09, 2019 02:36 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
BACOLOD CITY – Sinuspinde ang klase sa Fr. Gratian Murray Integrated School sa Barangay Granada Martes ng umaga matapos umanong sapian ng masamang espiritu ang ilang mag-aaral doon.

Ayon sa mga guro ng paaralan, nagsimula ito sa apat na mga estudyanteng babae nitong Lunes kung saan bigla silang nagsisigaw ng mga salita habang nagwawala.

Bago nagsimula ang klase Martes ng umaga ay nag-rosaryo ang mga estudyante. Pero isa sa mga mag-aaral na babae ang bigla umanong muling sinapian.

Sinundan pa ito ng higit 10 pang mga babaeng estudyante na pawang mga Grade 8 at Grade 9.
Sinundan pa ito ng higit 10 pang mga babaeng estudyante na pawang mga Grade 8 at Grade 9.
ADVERTISEMENT
Nagpatawag ng pari ang paaralan para i-exorcise ang mga estudyante. Ang iba sa kanila ay dinala naman sa simbahan.

Hindi pa makapagsabi ang school principal kung sinapian talaga ng masamang espiritu ang mga estudyante.

Bubuo na rin ng isang team ang City Health Office para mag-evaluate sa mga estudyanteng nagwala para malaman kung spiritual o psychological ang sanhi ng nangyaring hysteria.