Pulis patay sa pananambang sa Cabagan, Isabela | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis patay sa pananambang sa Cabagan, Isabela

ABS-CBN News
Published Jul 08, 2022 01:22 AM PHT

Patay ang isang pulis sa pananambang sa bayan ng Cabagan, Isabela nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Police Corp. Marnix Baquiran na residente ng Barangay Camasi, bayan ng Peñablanca, Cagayan at nakatalaga naman sa Reina Mercedes Police Station.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office, pasado alas-8 ng umaga nang makita ng isang residente ang SUV ng biktima na sumadsad sa concrete barrier ng bypass road na sakop ng Barangay Ugad.

Nakitang tadtad din ng mga tama ng bala ang sasakyan habang duguang nakahandusay sa loob nito ang biktima.

ADVERTISEMENT
Sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng SUV ang bypass road nang tambangan at pagbabarilin ito ng suspek na nakasakay din ng SUV.

Nagsasagawa na ang pulisya ng dragnet operation para mahuli ang salarin.

Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon sa motibo ng pagpatay sa biktima.—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT