PatrolPH

Chief police investigator patay sa pamamaril sa Iligan

ABS-CBN News

Posted at Jun 16 2022 02:34 AM

Patay ang isang chief police investigator matapos pagbabarilin ng armadong riding-in-tandem sa lungsod ng Iligan Martes ng hapon. 

Ayon kay Iligan City Police Maj Zandrex Panolong, nag-follow up si Police Sr. MSgt. Ruel Vacal sa korte sa pagpapalipat sa bilangguan ng nahuli nilang wanted person at dumiretso na sa pag-iimbestiga sa isang robbery sa Barangay Tubod. 

Inabangan umano ng mga suspek si Vacal sa Tubod dahil ruta rin ito ng pulis papunta sa kaniyang bahay. 

Ayon mga nakakita sa insidente, naka-helmet ang mga suspek. Isang CCTV footage naman ang tinitingnan ngayon ng mga pulis upang kilalanin ang mga suspek. 

Chief investigator ng Iligan City Police Station 4 si Vacal, at 19 taon na siya sa serbisyo. 

“Dahil chief investigator siya, marami talaga siyang masasagasaan sa trabaho. Posibleng work-related ang motibo ng krimen,” ani Panolong.—Ulat ni Roxanne Arevalo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.