P2,000 multa ipapataw sa mga hindi magsusuot ng face mask sa Pasay City

ABS-CBN News

Posted at Jul 08 2020 12:41 PM

MAYNILA - May karampatang parusa na ang mga taga-Pasay City na mahuhuling hindi magsusuot ng face mask ngayong pandemya. 

Sa bisa ng City Ordinance No. 6098 series of 2020 ng Pasay City local government, obligadong magsuot ng face mask ang mga nasa Pasay City. 

Bilang tugon ito sa mas mahigpit na kampanya na ipinapatupad ng pamahalaan para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19. 

Pagmumultahin ng P2,000 ang mga mahuhuling walang face mask sa siyudad. 

Iisyuhan din sila ng citation ticket para rito, na isusumite sa Office of the City Treasurer kasabay ng babayarang multa. 

— Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.