Kalituhan umano sa ilang pagbabago sa EDSA bus lanes pinuna | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kalituhan umano sa ilang pagbabago sa EDSA bus lanes pinuna

Kalituhan umano sa ilang pagbabago sa EDSA bus lanes pinuna

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 08, 2020 09:13 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pinuna ng ilang pasahero at dispatcher ng bus ang umano’y kalituhan na inabot ng mga bagong loading at unloading areas sa EDSA.

Maaalalang inilipat sa kaliwang lane ng EDSA ang mga sakayan at babaan ng mga pasahero.

Dahilan ito para umabot nang isa at kalahating kilometro ang haba ng pila ng mga bus na nag-aabang ng mga pasahero sa mga lumang bus lane.

Isa sa mga nag-abang ng sakay si Jerry Sismundo.

ADVERTISEMENT

"Palpak... Napakagulo. Hindi kami kasama sa sinasabi nilang carousel. Dapat tuloy tuloy lang kami dito eh naguguluhan pati ang pasahero eh.” ani Sismundo.

"Kung galing ka sa Malanday, bababa ka sa Monumento, tatawid ka tapos bababa ka na naman sa SM North tapos sasakay na naman ulit… Ang gulo-gulo.”

May iilang pasahero, gaya ni Alex na nalito rin kung saan sasakay.

"Halos isa't kalahating oras kami naghintay ng masasakyan, dati 30 minuto lang nakasakay na kami,” ani Alex.

Giit ni EDSA traffic chief Bong Nebrija, dapat alam ng mga operator kung ilan lang ang gagamitin nilang mga bus.

"Dapat alam ng mga operator kung ilan lang ang mga idi-dispatch nila eh. Hindi ko alam bakit pumipila sila... Depende 'yan sa demand ng mga pasahero eh... Hindi ko alam bakit sila pinayagan diyan,” ani Nebrija.

Plano ng MMDA na magsagawa ng information drive para mas maging maalam ang mga tao sa pagbabago ng mga ruta.

Sa ngayon, suspendido ang operasyon nito matapos dumarami ang kaso ng COVID-19 sa kanilang mga empleyado.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Dahil dito, pinaaga ng gobyerno ang pagpapalabas ng augmentation buses na aayudahan ang mga bus at nagdagdag sila ng mga istasyon kung saan maaaring bumaba at sumakay ang mga pasahero.

Aabot sa 90 bus ang ipinakalat ng MRT-3 para rito, na dadagdag sa 190 nang bumibiyahe sa EDSA.

Layon ng transport authorities na buksan ang mga bus stop sa Agosto o kaya Setyembre.

Dadagdagan din anila ng lift ang mga bus stop, ayon kay MMDA Spoksperson Celine Pialago.

"Target pong lagyan ng lift ang lahat ng 16 bus stops, kaya two weeks ago, ma'am, nagkaroon po ng inspeksiyon ang aming engineering team para po tingnan kung saan maaaring ilagay ang mga lift," ani Pialago.

Inaasahang magbabalik-operasyon ang MRT sa Hunyo 11.— Ulat nina Doris Bigornia at Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.