'Paano mabeberipika?' LGUs nabulaga sa niluwagang travel protocol sa fully-vaccinated | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Paano mabeberipika?' LGUs nabulaga sa niluwagang travel protocol sa fully-vaccinated

ABS-CBN News
Published Jul 06, 2021 05:04 PM PHT
|
Updated Jul 07, 2021 09:45 AM PHT

MAYNILA (UPDATE) — Umaalma ang ilang lokal na pamahalaan sa bagong utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na pagluluwag ng travel protocol sa fully-vaccinated individuals, na hindi umano nakonsulta sa kanilang hanay.

Noong Lunes ay sinabi ng IATF na maaari nang gamitin ang ibinigay na vaccination card ng mga lokal na pamahalaan sa mga nakakompleto na sa bakuna kontra COVID-19 para hindi na sumailalim sa COVID-19 test ang mga bibiyahe.

Bahagi ito ng unti-unting pagluluwag ng pamahalaan sa pagbiyahe ng mga Pilipino, lalo na ang mga kompleto na ang bakuna.

Pero ayon kay Quirino Governor Dakila Cua, pangulo ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), hindi sila nakonsulta sa pagpapatupad ng bagong protocol.

ADVERTISEMENT
"To be quite direct to the point, hindi po kasi 'yan na-discuss at nakonsulta sa amin, sa mga LGU... Maraming tayong kasamahang gobernador na nag-express ng concern na hindi natin mapaliwag kasi hindi nga po nagkaroon ng sapat na ugnayan," pag-amin ni Cua sa panayam ng TeleRadyo nitong Martes.

Hindi rin umano malinaw kung paano ito ipatutupad at wala ring inilatag na sistema sa pag-verify ng vaccination card.

"May mga tanong mula sa aking mga kasamahan: paano mave-verify ang vaccination card? Hindi naman sophisticated ang vaccination card natin. Wala naman kaming alam na may security feature at validation process ito, or system para ma-check kung tama or peke ito, those are the things that we need to operationalize bago maging in effect ang direktiba," paliwanag ng gobernador.

"Pikit-mata ba tayong magtitiwala diyan?" dagdag niya.

May agam-agam din si Marinduque Governor Presbitero Velasco, presidente ng League of Provinces of the Philippines, sa bagong patakaran.

Iginiit ni Velasco na may kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na magpatupad ng sarili nilang panuntunan.

Maaari pa rin umanong igiit ng mga lokal na opisyal na magkaroon ng antigen testing sa mga papasok sa probinsiya, lalo na't aniya'y mataas ang household infection rate doon.

Ipinauubaya naman ng Department of Tourism sa mga LGU ang pagpapasya kung papayagan ang paggamit ng vaccine cards sa RT-PCR test.

Depende pa rin daw ito sa umiiral nilang protocol.

Umaasa kasi si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na mahihikayat ng hakbang ang pagpapabakuna ng mga Pilipino.

Nanawagan din ang kalihim sa mga biyahero na maging responsable habang dapat ay tumulong ang mga LGU na matiyak na hindi peke ang vaccination cards, COVID-19 test results at Bureau of Quarantine certifications.

Handa rin umanong makipagtulungan ang airline companies sa mga LGU.

Ayon sa Philippine Airlines, bago pa man sumakay ng eroplano, tsine-check nila ang dokumento ng mga pasahero alinsunod sa itinakda ng LGU.

Hinihintay naman ng Cebu Pacific kung aling LGU ang hindi susunod sa IATF resolution.

Pero nanindigan ang Palasyo at Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat sundin ang resolusyon ng IATF.

Bagaman kinikilala ng DILG ang kapangyarihan ng LGU na magkaroon ng sariling health protocol, dapat umano'y alinsunod ito sa national policy.

Maaari naman daw palakasin ng mga LGU ang quarantine at post-arrival testing protocols nila.

Nagbabala naman ang Malacañang sa mga may balak mameke ng vaccination card dahil maaari umano silang makulong.

— May ulat ni Zandro Ochona, ABS-CBN News
KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT