'Pantawid ng Pag-ibig': 1,300 relief packs hatid sa mga taga-Valenzuela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pantawid ng Pag-ibig': 1,300 relief packs hatid sa mga taga-Valenzuela

'Pantawid ng Pag-ibig': 1,300 relief packs hatid sa mga taga-Valenzuela

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 08, 2020 08:47 PM PHT

Clipboard

Libo-libong relief packs ang ipinamahagi ng Pantawid ng Pag-ibig sa mga pamilya sa Barangay Bignay, Valenzuela. ABS-CBN News

Dahil sa lockdown, nagsara ang pabrikang pinagtatrabahuhan ni Lizel Albino, residente ng Valenzuela City.

Kaya nang ipatupad ang mas maluwag na general community quarantine, agad siyang naghanap ng panibagong mapapasukan.

"Hanggang ngayon naghahanap kami ng trabaho," ani Albino.

Kasama ni Albino ang kaniyang anak at 4 na kapatid, na may kaniya-kaniyang pamilya at nawalan din ng trabaho.

ADVERTISEMENT

"Kung sino ang mayroon dito, bigay kami, bigay sila... nairaos namin," ani Albino.

Tatlong taon namang driver ng delivery truck si Jhake Salvador.

Maayos sana ang kita pero dahil sa lockdown, natigil rin ang kanilang pasok.

Nagpatong-patong na rin ang mga bayarin nila Salvador sa bahay dahil "no work, no pay" sila.

Maging si Apolonio Divina, ang pinuno ng homeowners' association sa lugar nina Albino at Salvador, ay hindi alam kung paano aalalay sa mga kasama sa komunidad dahil maging siya ay nawalan din ng pinagkakakitaan.

"Bilang pangulo, marami pong residente dito lumalapit sa'kin kasi walang pangsaing," ani Divina.

"Wala naman kami mabigay kasi nga pare-parehas naman kami walang trabaho," dagdag niya.

Naisip ni Divina na humingi ng tulong sa mga pribadong kompanya.

Nasa 1,300 relief packs na may lamang bigas, de-lata, at kape ang hinatid ng Pantawid ng Pag-ibig sa mga pamilya sa Barangay Bignay, Valenzuela.

"Maraming maraming salamat na binigyan niyo kami ng kahit papaano ngayong gabing pagkain... mairaraos naming ang panggabi at mayroon pa kaming pangkinabukasan," ani Albino.

Nagpapasalamat ang ABS-CBN sa mga sumusunod na partner sa proyekto:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me
  • PayMaya

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

Maaaring magpaabot ng tulong sa Pantawid ng Pag-ibig sa pamamagitan ng mga larawan sa taas.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.