2 pulis sa Ilocos Sur na dawit sa pagpatay sa dalagita pinasisibak sa serbisyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 pulis sa Ilocos Sur na dawit sa pagpatay sa dalagita pinasisibak sa serbisyo

2 pulis sa Ilocos Sur na dawit sa pagpatay sa dalagita pinasisibak sa serbisyo

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 06, 2020 08:23 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) — Pinasisibak sa serbisyo ng pinuno ng Philippine National Police (PNP) ang 2 pulis na idinadawit sa pagpatay sa isang 15 anyos na rape victim sa Ilocos Sur.

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, pinamamadali na niya sa Internal Affairs Service (IAS) ng PNP ang pagdinig sa kasong administratibo laban sa mga pulis na sina Staff Sgt. Randy Ramos at Marawi Torda.

"I actually directed IAS to finish and dismiss the policemen in 15 days," sabi ni Gamboa ngayong Lunes sa isang press briefing sa Camp Crame.

Ayon kay Gamboa, maraming ebidensiyang nagtuturo na dawit ang 2 pulis sa pagpatay sa biktima.

ADVERTISEMENT

"According to the investigators, there is a very good number of evidence that would substantially prove that indeed, these two PNP personnel were involved in such crime," anang hepe.

Kinasuhan ng PNP ng murder ang 2 pulis.

Katarungan naman ang hiling ng mga kaanak ng biktima sa pagkamatay nito.

Nais naman ni Ilocos Sur Governor Ryan Luis singson ng patas na imbestigasyon sa nangyari kaya hiniling niya sa National Bureau of Investigation na magkaroon din ng sariling imbestigasyon sa kaso.

Nangako si Singson na hindi pababayaan ang pamilya ng biktima.

Namatay ang biktima noong Huwebes nang pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong lalaki sa Cabugao, Ilocos Sur.

Galing police station ang biktima para maghain ng pormal na reklamo laban sa 2 pulis na umano ay nanggahasa sa kaniya nang mangyari ang pagpatay.

Noong Hulyo 1, hinuli ng mga pulis sa San Juan, Ilocos Sur si biktima at ang pinsan nitong 18 anyos na babae dahil sa paglabag sa curfew.

Ihahatid umano sila ng mga pulis pauwi sa kanilang bahay subalit ginahasa ang magpinsan pagdating sa Cabugao.

-- May ulat nina Raffy Santos at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.