Ilang jeepney driver sa QC nanganganib palayasin sa kanilang mga terminal | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang jeepney driver sa QC nanganganib palayasin sa kanilang mga terminal

Doris Bigornia,
ABS-CBN News
Published Jul 06, 2020 09:44 PM PHT

MAYNILA — Hindi pa rin nakabiyahe ang libo-libong drayber ng jeep sa Metro Manila nitong Lunes dahil sa takot na pagmultahin ng P5,000 dahil hindi pa nakasusunod sa mga rekisito ng pamahalaan.

>https://news.abs-cbn.com/news/07/03/20/parang-kami-may-kasalanan-1st-day-woes-affect-return-of-jeepneys

Isang grupo naman ng mga drayber ay nadagdagan pa ang problema dahil nakaambang mapalayas sila sa tinutuluyan nilang terminal sa Quezon City.

Mistulang nakatulala na lamang ang mga drayber ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa kanilang terminal dahil apat na buwan na silang tengga doon.

"Baon na kami sa utang. Hindi na kami makabayad dito sa terminal, hanggang ngayong July na lang kami dito, mapapalayas na. Kuryente at tubig pa lang P80,000 na wala pang renta," ani Jude Recio, drayber.

Imbes umarangkada ang biyahe, panlilimos pa rin ang pantawid nila.

"Parang nananawa na ring magbigay 'yung mga tao... Nagkakasya pa naman 'yung mga limos nila pero hanggang kailan kami manlilimos? Hindi lang lungkot nararamdaman namin, galit na eh," ani Recio.

Ramdam ng lider nilang si Efren de Luna ang sentimyento ng mga drayber at operator kaya di na rin niya napigilan ang galit.

"Hindi na makatarungan ang ginagawa nila sa amin. Pakitang tao lang talaga," ani De Luna.

Maaalalang noong Biyernes ay pinayagan nang pumasada ang nasa 6,000 tradisyunal na jeep, basta't nakasunod sila sa mga rekisito ng pamahalaan tulad ng QR code.

Pero dahil di pa rin makalabas ang bulto ng mga tradisyunal na jeepney drivers, kalbaryo na naman ang inabot ng mga pasahero sa kawalan ng murang transportasyon sa gitna ng pandemya.