Sunog sumiklab sa residential area sa Pasay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa residential area sa Pasay

Sunog sumiklab sa residential area sa Pasay

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 06, 2019 06:21 PM PHT

Clipboard

MAYNILA - Sumiklab nitong Sabado ang isang sunog sa residential area sa Barangay Villamor sa Pasay City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) nagsimula ang sunog bandang alas 2:00 ng hapon.

Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay na nadamay. Nahirapan naman ang mga bombero na maapula agad ito dahil sira ang pinakamalapit na fire hydrant sa lugar.

Umabot ang sunog sa ika-apat na alarma sa laki ng apoy nang higit 10 bahay na ang natupok.

ADVERTISEMENT

Matapos ang higit sa isang oras, idineklara ng BFP na kontrolado na ang apoy bandang alas 3:17 ng hapon.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Wala namang naitala na nasugatan sa insidente.

Isa sa mga nasunugan na si Brent Uy ay survivor ng Bagyong Yolanda na nanalasa sa Visayas noong 2013. Aniya, hindi niya inakalang makararanas ulit ng trahedya sa Metro Manila.

Nagsasagawa na ang lokal na pamahalaan at BFP ng mas malalim na imbestigasyon.

-- May ulat nina Henry Atuelan at Bianca Dava, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.