Supply ng COVID-19 vaccine sa ilang lungsod limitado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Supply ng COVID-19 vaccine sa ilang lungsod limitado

Supply ng COVID-19 vaccine sa ilang lungsod limitado

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 05, 2021 07:49 PM PHT

Clipboard

Vials of Pfizer’s COVID-19 vaccine rests on a table inside the Makati Coliseum on June 29, 2021.George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA (UPDATE) - Limitado lang ang bakunahan sa lungsod ng Makati, Muntinlupa at Valenzuela ngayong Lunes dahil sa kakulangan ng supply ng COVID-19 vaccine.

Ayon sa anunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Makati City, wala munang vaccination para sa first dose para sa A4 Category o 'yong mga economic frontliners o mga manggagawa ngayong Lunes.

Hindi muna matutuloy ang naka-iskedyul na pagbabakuna dahil hindi nakapag-deliver ang national government ng bakuna sa lungsod para sa A4 group.

Kaya sarado ang vaccination site sa Glorietta, Ayala Malls Circuit, Benigno Aquino National High School at Palanan Elementary School. Tuloy naman ang naka-schedule para sa second dose na gaganapin sa Makati Coliseum at Fort Bonifacio Elementary School.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Samantala, sa Muntinlupa, simula Lunes ipinagbabawal na ang walk-in sa mga vaccination site. Ito'y dahil din sa limitadong supply ng bakuna.

Dati, maaaring mag-walk-in sa mga vaccination site at magpabakuna kung may sobrang supply dahil hindi nakarating ang mga naka-iskedyul. Pero ngayon, hindi na iyan papayagan.

May kakaunting bakuna lang ngayong araw para sa first dose, at kailangan makatanggap ng text message bago pumunta sa vaccination site.

Para naman mas mahikayat ang publiko sa Makati, simula Lunes makatatanggap ng P1,000 na gift certificate ang lahat ng senior citizen na nakakumpleto ng 2 doses ng bakuna sa lungsod.

Sa Valenzuela City, isinara na muna ng LGU ang ilang COVID vaccination site habang nag-aantay sa dagdag na supply ng bakuna mula sa national government.

Ayon kay VCVax Program Team Leader Dr. Beng Cruz, ngayong Lunes, 200 doses na lang ng Moderna COVID-19 vaccine ang natitirang pang-first dose. Dahil kaunti na lang ang suplay, sa isang vaccination site na lang ito ini-rollout.

“’Yong industry sites namin, wala kaming choice eh. Puro pang first dose sila, so we have to close ‘yong 3 vaccination sites namin for industry,” sabi niya.

Tuloy naman ang pagtuturok ng second dose sa 9 na vaccination sites. Pero ayon kay Cruz, mauubos na rin sa loob ng linggong ito ang kasalukuyang supply nila ng Sinovac COVID-19 vaccine na nakalaan para sa second dose.

“If walang magiging stocks po, mag-stop kami by Friday ng second dose din,” sabi niya.

“We tried to stock ‘yong pang second dose before, but we had instruction (from NVOC) na iwan muna ‘yong pang 2 weeks,” paliwanag ni Cruz.

Sa higit 17.4 million COVID-19 vaccine doses na dumating sa bansa, nasa 11.7 million ang naiturok na hanggang kahapon.

Higit 2.8 milyong indibiduwal naman o nasa 4.95 porsiyento ng target na 58 million ang fully vaccinated, habang higit 8.8 million ang na-administer bilang first dose.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padlla, 4.5 million doses ng Sinovac COVID vaccine ang nakatakdang i-deliver sa Pilipinas ngayong Hulyo.

Watch more in iWantv or TFC.tv

-- Ulat nina Jekki Pascual at Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.