Bodega ng isang cold storage facility sa Legazpi City nasunog | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bodega ng isang cold storage facility sa Legazpi City nasunog

ABS-CBN News
Published Jul 05, 2021 05:08 PM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
LEGAZPI CITY — Napasugod ang mga bumbero sa isang cold storage facility sa Barangay Bonot sa lungsod na ito nitong Linggo matapos sumiklab ang sunog sa pasilidad.

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) Legazpi Fire Marshall Fire Chief Inspector Jerickson Miraflor, ang nasunog ay maliit na warehouse na nagsisilbing imbakan ng ice cream.

"Dalawa kasi ang building sa loob ng facility. May main building at yung maliit na building. Yung maliit na building na cold storage facility yung nasunog, kung saan nakalagay yung mga freezer na may mga laman na ice cream," ani Miraflor.

Hinihintay pa ang pahayag ng pamunuan ng planta lalo't dito rin unang nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Legazpi para paglagyan ng mga bakuna kontra COVID-19.

Pero ayon sa BFP, wala naman silang nakitang nakaimbak na bakuna sa nasunog na cold storage facility.

May kinalaman sa electrical connection ang tinitingnang sanhi ng sunog.

Suwerteng hindi nadamay ang iba pang freezer na nasa labas ng nasunog na pasilidad.

Mahigit 5 taon na rin ang operasyon ng planta na bukod sa mga ice cream, imbakan din ng karne at iba pang processed foods.

—Ulat ni Karren Canon
KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
rehiyon
region
regional news
regional
regions
Legazpi City
cold storage facility
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT