Suspek sa sexual assault sa UP Diliman, tinutunton na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Suspek sa sexual assault sa UP Diliman, tinutunton na

Suspek sa sexual assault sa UP Diliman, tinutunton na

Vivienne Gulla,

ABS-CBN News

Clipboard

UP Diliman campus. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file
UP Diliman campus. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/file

Sinuyod ng mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) at University of the Philippines (UP) Diliman Police noong Lunes ng gabi ang kalsadang dinaanan ng estudyanteng naging biktima ng sexual assault sa loob mismo ng campus noong Sabado.

Tinunton nila ang C.P. Garcia papunta sa pinangyarihan ng krimen sa Ylanan Street, at nakakita ng ilang CCTV, na ayon sa QCPD ay posibleng nakahagip sa salarin.

Nag-deploy na ng tracker teams ang pulisya para makuha ang CCTV footage, puntahan ang persons of interest, at arestuhin ang suspek, na pinaniniwalaang pamilyar sa tago, madilim at mapunong bahagi ng campus kung saan nangyari ang tangkang panghahalay.

“We have a rough idea on who the person is, who the person might be. Posibleng nandiyan lang sa paligid… Andiyan ang ating mga pulis, together with the UP security force [and] UP Police Department scouring the area looking for him,” ani QCPD Director Poilice Brig. Gen. Nicolas Torre III.

ADVERTISEMENT

Kwento ni Torre, base sa salaysay ng estudyante, sumigaw siya at nanlaban nang atakehin ng lalaking may hawak na patalim, pero walang nakarinig.

Naagapan naman aniya ang tangkang panghahalay nang may dumaang mga tao malapit sa pinangyarihan ng insidente.

"Mayroong isang event sa madadaanan niya na maingay. May sound system na maingay. So most probably, na fall out ang kanyang sigaw. Napakaliit na spot lang ‘yun na sa tabi ng daan, mayroong dried creek, medyo malalim… Doon daw siya hinila papunta doon sa creek, kaya nagka-tumbling tumbling silang dalawa eh. Kaya may mga gasgas siya, mga galos... Hindi siya na-rape. Muntik-muntikan lang,” ani Torre.

Bukod sa tulong medikal, magbibigay din ng legal assistance at psychological support ang unibersidad sa estudyante.

Kasalukuyang naka-heightened alert pa rin sa naturang campus, at maraming nakabantay na security personnel sa Ylanan Street.

Binisita rin ng Chancellor ng paaralan, kasama ang UP Diliman Police, ang naturang kalsada, Martes ng hapon, para pag-aralan ang mga hakbang para mapalakas ang seguridad dito.

Itinuturing na “isolated” ang insidente.

“Once we get clearance, we will also make appropriate adjustments, maybe may kailangan paputulang talahib to make the area more visible, increase visibility din through appropriate lighting. I have given instructions to put additional security personnel in that specific area,” sabi ni UP Diliman Chancellor Edgardo Carlo Vistan II.

May tugon din ang pamunuan ng UP Diliman at QCPD sa panawagan ni Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera III na pag-aralan ang operational engagement ng Philippine National Police at iba pang law enforcement agency sa pagtiyak ng seguridad sa UP community.

Sa ilalim ng kasunduan ng UP at Department of the Interior and Local Government (DILG), bawal magsagawa ng police operation sa UP campus ang mga miyembro ng pulisya, maliban kung may prior notice.

“Balak ko talagang tuunan ‘yan ng pansin. Hindi ko iniisip na review. Kasi iba na rin ang panahon, iba na ang sitwasyon, more of really reaching out to the DILG, the [PNP] and also hear their side. Gusto rin natin may coordination tayo with them, may cooperation sa kanila," ani Vistan.

"Even the accord doesn’t prevent coordination or cooperation with the police. Ito ay nagbalangkas lang ng protocol para maging maayos ang koordinasyon o kooperasyon, na may konsiderasyon sa kasaysan ng UP, 'yung Martial Law, 'yung student activism, mga concerns ng ating estudyante na baka maulit muli ‘yung nangyari noong Martial Law,” dagdag ni Vistan.

Para naman kay QCPD Directorr Torre, wala silang reklamo sa kasunduan ng UP at DILG dahil aniya nakatutulong pa ito sa kanila.

"Wala kaming reklamo dyan sa UP accord right now... Kami ay nagpapasalamat sa UP Police dahil sa kanilang ginagawa sa pag-secure ng kanilang estudyante [ay] nale-lessen ang burden sa Quezon City Police District... Stretched thin na rin ang ating Station 9 [dahil] 29 barangays ang covered niya,” ayon kay Torre.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.