Taal, mga bagyo, posibleng magpalala ng COVID-19 sa ilang lugar | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Taal, mga bagyo, posibleng magpalala ng COVID-19 sa ilang lugar

Taal, mga bagyo, posibleng magpalala ng COVID-19 sa ilang lugar

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 08, 2021 10:25 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nakikita ng mga eksperto na posibleng makapagpalala sa sitwasyon ng COVID-19 sa ilang bahagi ng Luzon ang pag-aalboroto ng Bulkang Taal, at mga paparating na bagyo ngayong kalagitnaan ng taon.

Ayon kay Dr. Peter Julian Cayton ng University of the Philippines (UP) Pandemic Response Team, kadalasan tumataas ang mga kaso tuwing may evacuation.

Kasalukuyang nagsasagawa ng paglikas sa ilang lugar sa Batangas ngayon bunsod ng pag-alboroto ng Taal.

"We’ve seen this before with regards to also in Cagayan early on, with regards to the typhoons," ani Cayton.

ADVERTISEMENT

"We’re suggesting that the provinces around Taal be given some level of higher priority in vaccination because it will complicate the way that we will respond to both crises," dagdag niya.

Nauna nang sinabi ng Department of Health sa Calabarzon na sisimulan sa Lunes ang pagbabakuna kontra COVID-19 ng mga Taal Volcano evacuee.

Pero bukod sa Taal, nakikita rin ang banta ng mga posibleng mamuong bagyo ngayong gitna ng taon, na maaaring makapagpalala ng situwasyon sa COVID-19.

"Last year, nagkaroon tayo ng mga flooding, ng mga typhoon, and yes, nagkakaroon talaga ng spike in cases," sabi ni Guido David ng OCTA Research Group.

"Kailangan paigtingin 'yong pag-anticipate ng mga events ngayon kasi unlike noong first months, naka-focus lang tayo kung saan mataas. Pero ngayon, dahil complex nga ang sitwasyon natin sa Pilipinas... kailangan nating tingnan... kung alin ba 'yong potential areas na baka magkaroon ng complications," ani Dr. Kristoffer Berse ng UP Pandemic Response Team.

ADVERTISEMENT

Samantala, nakita naman ng OCTA Research Group ang pagtaas ng hospitalization rate sa Baguio City, kung saan 70 porsiyento na ang okupado o malapit na sa critical level.

Bumabagal naman ang mga kaso sa iba pang area of concern tulad ng Iloilo City, Davao City at Bacolod City pero hindi pa tuluyang bumababa.

Ayon naman sa UP Response Team, dapat pa ring bantayan ang mga lugar na dehado sa testing at hospital facility, tulad ng Cagayan, Camarines Sur, Capiz, Oriental Mindoro at South Cotabato.

Samantala, pinaluwag naman ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panuntunan sa mga fully vaccinated na mga indibiduwal.

Puwede na silang bumiyahe sa loob ng bansa nang walang RT-PCR test basta ipresenta ang domestic vaccination card of certificate of isolation ng Bureau of Quarantine.

ADVERTISEMENT

Kung ma-expose naman ang fully vaccinated sa taong pinaghihinalaan o kumpirmadong may COVID-19, pinaikli na ang quarantine nila nang 7 araw kung asymptomatic.

Umaasa ang OCTA na patuloy na bababa ang mga kaso sa NCR sa mga susunod na linggo.

Samantala, tingin naman ng UP Pandemic Response Team ay hindi pa kailangang ipagdiwang ang pagbaba ng mga kaso dahil mahina pa rin ang contact tracing, testing at pagbabakuna para mapigilan ang panibagong surge.

— Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.