Mga obra ng Pinay artist itinampok sa Brussels exposition | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga obra ng Pinay artist itinampok sa Brussels exposition

Mga obra ng Pinay artist itinampok sa Brussels exposition

Raquel Bernal-Crisostomo | TFC News Belgium

 | 

Updated Jul 03, 2022 06:48 PM PHT

Clipboard

BRUSSELS - Ibinida ng Pinay artist na si Aurea Calanog ang kanyang mga obra sa isang exposition sa Brussels kamakailan.

Dati’y landscape ang forte ni Calanog, pero ngayon, itinuon nya ang kanyang panahon sa pagpipinta ng mga bulaklak bilang kanyang subject.

Pinay artist

“Happy ako na makapag-participate sa exposition na ito. Marami naman akong natutunan sa aking mga ginawa lalo na mga technique sa acrylic. So nadagdagan pa rin ang aking kakayahan,” sabi ni Calanog.

Paintings sa pader

Dahil sa kanyang galing at dedikasyon sa paglikha ng kanyang mga obra, tumanggap siya ng mga papuri, tulad ng isang propesor sa Ecole des Arts na humanga sa kanya.

ADVERTISEMENT

Pranses na tagahanga

(Isinalin mula sa wikang Pranses) “I think it’s the theme that she likes a lot. It’s nature. There is this sculptural side of the flowers that is as if we are small humans looking at big flowers,” sabi ni Quentin Smolders, Professor, Ecole des Arts.

Painting ng Pinay artist

May mahigit isandaang artists ang lumahok sa exposition. Dalawang taon ding natigil ang mga art exhibition sa Belgium dahil sa pandemya. Ayon kay Calanog, kabilang din ang kanyang mga obra sa isa pang exposition na gaganapin sa Oktubre sa Ghent.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Belgium, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.