Amoy gas: Bakanteng lote sa QC inireklamo dahil sa masangsang na amoy | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Amoy gas: Bakanteng lote sa QC inireklamo dahil sa masangsang na amoy

Amoy gas: Bakanteng lote sa QC inireklamo dahil sa masangsang na amoy

Larize Lee,

ABS-CBN News

Clipboard

Retrato mula sa Barangay Payatas, Quezon City
Retrato mula sa Barangay Payatas, Quezon City

MAYNILA — Isang bakanteng lote sa Barangay Payatas, Quezon City ang inireklamo ng mga residente dahil sa usok at masangsang na amoy na nanggagaling dito.

Matatagpuan ang lote sa loob ng compound ng warehouse ng construction supplies.

"Base sa mga na-interview namin, para siyang amoy gas na talagang kapag nalanghap mo ay magko-cause siya ng dizziness and then paninikip ng dibdib," anang barangay administrator na si Florante Clarito, na sinabing posibleng may halong kemikal ang naaamoy.

Ayon kay Clarito, nagsimulang magkaroon ng masangsang na amoy noong Hunyo. Mula noon, marami na silang natanggap na reklamo mula sa mga residente.

ADVERTISEMENT

"Kapag malakas 'yong hanging natatangay, 'yong masangsang na amoy. And 'yon nga, ang resulta, may mga bata, mga residente na nasusuka, nahihilo at base sa mga testimonya ng mga residente, mayroon pa ngang nadala sa ospital," ani Clarito.

Hindi pa matukoy kung saan nanggagaling ang amoy pero ang sinabi ng barangay ay maaaring stockpile ng junkshop noon ang nasabing lote at may mga naiwan pang basura.

Nakipag-ugnayan na rin ang barangay sa pamunuan ng warehouse para iparating ang mga reklamo, at sinusubukan nitong hakutin ang lahat ng mga basura sa nasabing lote.

"Pinapapasok naman po nila 'yong team natin. And we are hoping na mayroon po silang immediate na aksyon na gagawin," ani Clarito.

Noong nakaraang linggo, nagpunta ang Quezon City government para inspeksiyunin ang lugar, pero kasalukuyang hinihintay pa ang resulta.

Ngunit nitong mga nakaraang linggo ay mas tumindi pa umano lalo ang masangsang na amoy.

Sumulat na ang barangay sa local government ng lungsod, Department of Environment and Natural Resources, at Department of Health para humingi ng tulong.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.