PatrolPH

Babae natulungan manganak matapos tanggihan ng 5 healthcare facilities

ABS-CBN News

Posted at Jul 03 2021 02:29 AM

Isang 35-anyos na babae ang tinulungan manganak sa Tacloban City matapos siya tanggihan ng limang healthcare facilities.

Naabutan ng panganganak sa bahay ang babae bago pa masundo ng ambulansya. 

 

Dahil nanganak na, pinasakay na sila sa patrol car ng Tacloban Police Office, pero habang nasa daan inilipat na rin ito sa ambulansya ng Tacloban rescue unit para mas maayos ang pagdala sa kanya sa ospital.

Ayon sa TACRU, tinanggihan ang babae dahil wala raw kasi itong swab test at ang ibang ospital naman ay punuan na. 

Nasa ospital na ang mag-ina at mino-monitor.

—Ulat ni Jenette Fariola-Ruedas

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.