Sekyung nang-hostage ng doktor sa QC hospital nagpositibo sa COVID-19 | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sekyung nang-hostage ng doktor sa QC hospital nagpositibo sa COVID-19

ABS-CBN News
Published Jul 03, 2020 12:49 PM PHT

MAYNILA — Positibo sa COVID-19 ang pasyenteng nang-hostage ng doktor sa emergency room ng East Avenue Medical Center noong Miyerkoles ng madaling araw, kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Biyernes.

Ayon kay QCPD director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo, lumabas ang resulta ng swab test ng suspek na si Hilarion Achondo, isang security guard, kung saan napag-alaman na positibo ito sa sakit.

Mananatili sa pagamutan si Achondo habang naka-quarantine naman ang 10 pulis na rumesponde noon.

Maaalalang dinala ang 51-anyos na suspek sa emergency room ng ospital noong Miyerkoles para lapatan ng lunas matapos magtamo ng sugat mula sa isang motorcycle accident nang bigla itong mang-hostage ng doktor.

Napasuko umano ng mga pulis ang suspek sa loob nang 5 hanggang 10 minuto, habang ang doktor naman ay kinausap din ang suspek para pakalmahin ito.

Blangko pa rin ang mga awtoridad sa motibo ng pangho-hostage ng suspek.

- May ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT