Sekyu arestado sa pag-hostage sa isang doktor sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sekyu arestado sa pag-hostage sa isang doktor sa QC

ABS-CBN News
Published Jul 01, 2020 12:32 PM PHT

MAYNILA - Arestado ang isang security guard na nagpagamot sa East Avenue Medical Center sa lungsod ng Quezon matapos mang-hostage ng isang doktor nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa pulisya, dinala ang 51-anyos na suspek sa emergency room ng ospital para lapatan ng lunas matapos magtamo ng sugat mula sa isang motorcycle accident.

"Wala pa pong malinaw na dahilan. Hindi po natin makausap nang maayos ang pasyente. Perp mukha pong depressed siya eh, yan po ang tingin ng mga doktor na nakatingin sa kaniya. For what reason, di rin po namin alam," sabi ni Dr. Willie Saludares, ER chief ng ospital, patungkol sa nang-hostage.

Nagkataon na may mga miyembro ng QC Police District Crime Investigation and Detection Unit sa ER para mag-imbestiga ng ibang kaso, ayon kay Police Major Elmer Monsalve, hepe ng QCPD-CIDU.

Napasuko umano ng mga ito ang suspek sa loob ng 5 hanggang 10 minuto, habang ang doktor naman ay kinausap din ang suspek para pakalmahin ito, ayon kay Monsalve.

"Makikita mo yung biktima kung gaano siya, kung paano niya hinandle 'yung sitwasyon. Naguusap sila raw na tutulungan din. Makikita mo kung gaano ka-concerned sila sa pasyente dyan sa ospital na yan. Napaka-kalmado po," ani Monsalve.

Walang nasaktan sa insidente at binigyan na ng ospital ng suporta ang doktor, ayon kay Saludares.

Ginamot ang suspek bago i-turnover sa pulisya, ayon kay Monsalve.

--May ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News
Read More:
Tagalog news
DZMM
Teleradyo
security officer
security guard
doctor
East Avenue Medical Center
hostage-taking
hostage
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT