LTFRB, DOTr 'napahiya' sa umano'y napurnadang QR code sa mga jeep: grupo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTFRB, DOTr 'napahiya' sa umano'y napurnadang QR code sa mga jeep: grupo

LTFRB, DOTr 'napahiya' sa umano'y napurnadang QR code sa mga jeep: grupo

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 03, 2020 03:08 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Napahiya umano ang mga transport agencies sa kanilang pumalpak na pagpapatupad ng ilang patakaran sa pagbabalik ng tradisyunal na jeepney nitong Biyernes.

Maaalalang nagpalabas ng memorandum circular ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung saan isa sa mga rekisito sa balik-pasada ng jeep ay ang pagkuha ng QR code mula sa LTFRB website.

Pero napurnada ito dahil down pala ang website ng ahensiya dahil sa umano'y "migration" kaya't papayagan nang pumasada ang nasa 6,000 jeepney habang wala pang QR code.

Hanggang Linggo ay maaaring pumasada ang mga jeep dahil ngayong araw ay magagawa na umano ang LTFRB website.

ADVERTISEMENT

"Ang katotohanan niyan bumuwelo lang sila, napahiya lamang 'yang LTFRB at DOTr (Department of Transportation)... Ngayon ay lumalabas kinakain na nila 'yung mga requirements nila at alam naman natin na mapapahiya sila kaya kahit wala nang QR code ay puwede na daw lumabas... Kapag ang namumuno hindi nakakaintindi ay talagang karamihan niyan ay mali ang mga plano," ani Efren de Luna, national president ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO).

Iginiit ulit ng ACTO na dapat kinonsulta muna sila sa rationalization ng ruta at hindi basta-basta naglabas ng maiikling jeepney routes.

Nauna nang sinabi ni DOTr consultant Alberto Suansing na pangmaikliang biyahe lang talaga ang mga jeep at tila nasanay na lang ang mga operator sa mahahabang ruta.

'Iyang jeepney talagang pangmaigsiang biyahe lang 'yan. Pinakamahaba niyan actually 10 kilometers lang. Pagka kasi mahaba na ang biyahe, dapat malaking sasakyan na ang gagamitin, 'yun nga bus na. Sinadya nating paikliin," ani Suansing.

Nasa 6,000 jeepney ang pinayagan ng LTFRB na pumasada sa higit 40 ruta matapos ang 4 na buwang pagbabawal sa kanila dahil sa COVID-19.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.