PatrolPH

Motorcycle rider, patay sa aksidente sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 02 2021 03:59 PM | Updated as of Jul 02 2021 04:01 PM

Motorcycle rider, patay sa aksidente sa Iloilo 1
Larawan mula sa BFP Dumangas

ILOILO — Patay ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa Barangay Ermita, Dumangas, Iloilo, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rex Diamante, 40, na nakatira sa La Paz, Iloilo City.

Sa imbestigasyon ng Dumangas police, pauwi na ang biktima kasama ang grupo nito sa isang motorcycle club galing sa isang fun ride at pagdating sa lugar ay sumemplang ang isang kasamahan ng biktima dahilan para matumba ang mga ito.

Dalawa pang kasamahan ng namatay ang nasugatan sa karambola ng mga motorsiklo.

Kaagad na dinala sa ospital ang mga sugatan pero namatay si Rex Diamante habang ginagamot matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo.

Nasa ligtas na kalagayan na ang dalawang sugatan at nagpapagaling na sa ospital. —Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.