2 lalaki na ilegal umanong gumagawa ng pustiso, braces huli sa Marawi City | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 lalaki na ilegal umanong gumagawa ng pustiso, braces huli sa Marawi City

2 lalaki na ilegal umanong gumagawa ng pustiso, braces huli sa Marawi City

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 02, 2020 01:44 PM PHT

Clipboard

Marawi City - Hinuli ang dalawang lalaki na umano'y sangkot sa paggawa ng mga ilegal na pustiso at braces sa barangay Basak Malutlut, sa siyudad na ito, Miyerkoles.

Napag-alaman ng National Bureau of Investigation na ang mga naaresto ang may-ari at assistant ng pagawaan.

Naaresto ng taga-NBI ang mga suspek matapos sukatan at gawan ng pustiso ang kanilang pinagpanggap na kliyente.

Una nang inireklamo ng taga Philippine Dental Association Lanao del Sur Chapter ang mga naglipanang ilegal na tagagawa ng pustiso, braces at retainers.Lantaran umano ang kalakarang ito sa kabila ng babala sa kanila ng mga pulis.

ADVERTISEMENT

Ayon sa mga awtoridad, marami na ang nagpapagawa sa mga suspek ng braces at pustiso dahil higit na mura ang kanilang serbisyo sa dentista.

Pero babala ng mga awtoridad, maaaring magkasakit o magkahawahan ng COVID-19 ang mga kliyente kapag hindi eksperto at lisensyadong dental hygienist ang gagawa nito.

"Yung paggawa ng ganyan pag nagkamali ka that may cause deformity sa ngipin mo sa mismong mukha mo mismo kasi pag natabingi yan, talagang matatabingi yang mukha mo," ani Atty. Abdul Jamal Dimaporo, hepe ng NBI-Iligan.

"Pangalawa pwede mo ikamatay through complications. Pangatlo ay yung issues ngayon na COVID. Before narinig natin yung gloves nirerecycle nila," dagdag niya.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek, na sasampahan ng paglabag ng Philippine Dental Act ngayong araw. -- Ulat ni Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.