Lalaking sinasangkot sa pagnanakaw, inirereklamo rin sa panggagahasa | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking sinasangkot sa pagnanakaw, inirereklamo rin sa panggagahasa

Lalaking sinasangkot sa pagnanakaw, inirereklamo rin sa panggagahasa

Claire Cornelio,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang isang lalaking nanghalay umano sa isang 16-anyos na babae sa Davao City. ABS-CBN News

DAVAO CITY - Arestado ang isang lalaking umano'y nanggahasa sa isang 16-anyos na babae sa lungsod na ito noong nakaraang Linggo.

Humingi ng tulong sa mga residente sa Km. 13 sa Panacan ang biktimang si "Faith" matapos gahasain umano. Ayon sa mga residente, nakacycling shorts at blouse na lang ang biktima nang makita nila ito sa kalsada.

Matapos ang ilang oras ay nadakip ng mga pulis si alyas Butchok, 27, laborer, sa tulong ng mga residente.

Si Butchok ay itinuro ng biktima na gumahasa sa kanya, ngunit itinanggi niya ito.

ADVERTISEMENT

"Napugos na lang ko, siya man ang naghubad sa shorts," aniya.

(Napilitan lang ako, siya ang unang naghubad ng shorts.)

Sa imbestigasyon, pauwi na sana ang biktima sa Matina, Davao City galing sa pagbisita sa kanyang kasintahan sa Panacan nang sinundan ito ng suspek.

Pagdating sa madilim na bahagi ay biglaang sinakal umano ng suspek ang biktima at dinala sa damuhang bahagi at dito na nangyari ang krimen.

"Bago lang man gyud nahitabo ang krimen tapos mitabang og pangita tong babae didto sa area. Giila to nya nagkadigo pa man unya katong lalaki naghubo pa man habang nadakpan," sabi ni C/Insp Reuben Libera, station commander ng Sasa police.

(Bago lang talaga nangyari ang krimen tapos tumulong ang babae doon sa paghahanap sa area. Kinilala niya 'yun, duguan siya, katunayan nakahubad ang suspek nang madakip siya.)

Napag-alamang labas pasok na sa kulungan si Butchok dahil sa pagnanakaw.

Haharap si Butchok ng kasong rape at isasailalim sa stress debriefing at medical examination si Faith.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.