SSS nakapagproseso ng higit P5-B calamity loan sa gitna ng pandemya | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SSS nakapagproseso ng higit P5-B calamity loan sa gitna ng pandemya

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jul 01, 2020 03:04 PM PHT

MAYNILA — Inihayag nitong Miyerkoles ng Social Security System (SSS) na nakapagproseso na ito ng P5.4 bilyong halaga ng calamity loans para sa mga miyembro nitong apektado ng pandemyang COVID-19.

Ang alok ng SSS na pautang ay kasunod ng pagsasailalim ng bansa sa state of calamity dahil sa coronavirus.

Ayon kay SSS president Aurora Ignacio, magmula nang mag-alok sila ng calamity loan noong Hunyo ay higit 300,000 miyembro na ang nakakuha nito.

"Galing ito sa pondo ng SSS at simula nang ni-launch natin noong June 15 hanggang June 30 kahapon, nakapagtala po tayo sa successful applications na 346,375, ang equivalent po nito na binigay natin sa peso na napag-approve po tayo ng P5.4 billion sa loob nang 16 days," sabi ni Ignacio.

ADVERTISEMENT
Inihayag rin ni Ignacio na tumatanggap pa rin ng application ang SSS para sa mga miyembro nila na gustong mag-avail ng calamity loan ngayong panahon ng COVID-19.

Nasa P11,000 hanggang P16,000 ang maaaring mautang sa SSS hanggang Setyembre.

Ang loan ay 27 buwan maaaring hulugan sa SSS at ang unang singil ay sa ika-4 na buwan pa magmula nang panahon ng pag-a-apply.

Pero para magkwalipika, kailangan nakapaghulog na ang miyembro sa loob nang 3 taon, kung saan ang huling 6 na buwan na hulog ay ginagawa sa nakaraang 12 buwan.

Online ang filing at kailangan magparehistro sa website ng ahensya na MY.SSS.

Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
SSS
Social Security System
COVID-19
coronavirus
pandemya
calamity loan
pandemic
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT