ALAMIN: Hotline ng DOH para sa mga nais magpagamot vs substance abuse | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Hotline ng DOH para sa mga nais magpagamot vs substance abuse

ALAMIN: Hotline ng DOH para sa mga nais magpagamot vs substance abuse

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Dalawang taong nalulong sa iligal na droga ang 31 anyos na si alyas “Jake.”

Kuwento niya, napabayaan ang kaniyang apat na anak noon at hindi rin siya nakapagtrabaho dahil sa bisyo.

“Puro init ng ulo, pag uwi ko ng bahay gusto ko ako yung hari,” ani Jake.

Mabuti na lang aniya ay nagmalasakit ang kaniyang asawa na isailalim siya sa rehab na tumagal nang 6 buwan.

ADVERTISEMENT

Ngayon, kahit sa kabila ng pagsubok na dala ng lockdown, pang-6 na buwan nang drug-free si Jake.

Ang mga gaya ni Jake na nalulong sa droga at mga persons who use drugs (PWUDs) na hirap iwanan ang bisyo ng pagdodroga ang layong tulungan ng “SAH (Substance Abuse Hotline) 1550” ng Department of Health.

Ayon kay Dr. Clara Fuderanan, kaya ng kanilang hotline na kumuha nang 4 na tawag nang sabay sabay sa ngayon.

"We are still a work in progress, 4 calls at a time, 40 calls in waiting, 'yun po yung atin for a start. But we can refer them to different regions, depende kung saan ang pangangailangan," ani Clara Fuderanan, pinuno ng DOH Dangerous Drugs Abuse Prevention at Treatment Program.

"We’re praying to make it better para mas maraming maserbisyuhan," dagdag niya.

Nang subukan ng ABS-CBN News team na tumawag ay may sumagot sa loob ng kalahating minuto.

Para kay Benjamin Reyes, Permanent Member ng Dangerous Drus Board, malaking tulong ang helpline sa mga PWUDs lalo’t panahon ng pandemya na mahirap pang makalabas ang karamihan.

At least meron pa tayong option to provide some sort of interventions especially sa drug surrenders natin,” ani Benjamin Reyes.

Maaari ring kumonsulta sa helpline ang mga kaanak ng mga PWUDs sakaling gustong magpatulong sa pagpapa-rehab

Sa ngayon, bukas sa mga tawag nationwide ang helpline 1550, Lunes hanggang Biyernes mula alas-8 nang umaga hanggang alas-5 nang hapon.

— Ulat ni Angel Movido, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.