Pagmamahal sa bayan, tema ng bagong tunog ng ‘Bandila’

ABS-CBN News

Posted at Jun 30 2018 01:31 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Matapos ang 12 taon ng "Bandila" sa pagbabalita, may bago na itong tunog.

Nasyonalismo at pagmamahal sa bansa ang naging inspirasyon sa bagong music theme na nilikha nina Ebe Dancel at Jimmy Antiporda.

"Nanonood ako ng Bandila unang-una. Pangalawa, 'yung kantang naririnig niyo ng ilang taon na ay sinulat ng aking mabuting kaibigan na si Rico Blanco so 'yung maririnig ko 'yung sarili kong boses gabi-gabi medyo surreal. At saka maligayang-maligaya ako para sa magulang ko kasi ako 'yung maririnig na boses araw-araw bago sila matulog," ani Dancel.

Ayon kay ABS-CBN News Production head Cheryl Favila, dumating na ang panahon para baguhin ang tunog ng "Bandila."

"Panahon na rin kailangan baguhin siya, 'yung tunog niya kasi gusto natin maka-attract ng audience na bata. Alam naman, oo 'yung iba nasa online sila, madami pa rin nanonood sa telebisyon lalo na pag late-night newscast so we really want more audience na mas bata dito sa bagong tunog, bagong itsura ng pagbabalita sa 'Bandila,' " aniya.

Narito ang lyrics ng bagong tunog ng "Bandila":

Walang humpay 
na tinutugis 
ang katotohanan 
para sa ating bandila

Pagmamahal sa ating bayan
‘yan ang dhailan
Kahit may hadlang

PRECHO:
Isisigaw!
Sa Buong mundo
Nang buong tapang
Ang dapat na malaman
Ng bawat mamamayan

CHORUS:
Wooooooo
Bandila
Wooooooo
Bandila

Malaya na
Maghahayag
Ng mga nangyari
Sa’ting mundo

Ito’y inyong karapatan
Kaya’t ipapaalam
Kahit nasan ka man

PRECHO:
Isisigaw
Sa buong mundo
Nang buong tapang
Ang dapat na malaman
Ng bawat mamamayan

CHORUS:
Wooooooo
Bandila
Wooooooo
Bandila

OUTRO:
Laging babantayan
Walang hahadlang
Iwagaywag natin ang ating

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.