OFW binili ang 3,000 walis tingting na gawa ng mga kabarangay sa Tiaong, Quezon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

OFW binili ang 3,000 walis tingting na gawa ng mga kabarangay sa Tiaong, Quezon

OFW binili ang 3,000 walis tingting na gawa ng mga kabarangay sa Tiaong, Quezon

ABS-CBN News

Clipboard

Dahil nawalan ng kliyente at hindi makapaglako ang mga gumagawa ng walis tingting sa Brgy. Cabay, binili na lang ng OFW na si Brian Galangga ang nasa 3,000 walis tingting na gawa ng kanyang mga kabarangay. Larawan mula kay Brian Galangga

Paggawa ng walis tingting ang hanapbuhay ni Alona Estayo sa Barangay Cabay sa bayan ng Tiaong, Quezon.

Doble kayod si Estayo para sa 8 anak kahit walang katiyakan kung may bibili pa ng mga ginagawa niyang walis.

Maging ang kapitbahay ni Estayo na si Melinda Malaluan ay gumagawa rin ng walis tingting para kumita.

"Hindi man po sapat sa aming pagkain kasi magkano nga po 'yon pero kahit papaano, malaking bagay sa amin 'yon na kami po'y nakakaraos sa ganitong situwasyon," ani Malaluan.

ADVERTISEMENT

Kapuwa aminado sina Estayo at Malaluan na dahil sa pandemyang dulot ng coronavirus disease, wala na silang mapagbentahan ng ginagawang walis tingting.

Kaya laking tuwa ng dalawa nang bilhin ng kabarangay nilang overseas Filipino worker sa Hong Kong na si Brian Galangga ang mga ginawang walis.

Sa pamamagitan ng "walis tingting challenge," hinikayat ni Galangga ang mga kabarangay na magparamihan ng nagawang walis.

"Gusto ko lang silang tulungan sa panahon ng krisis," ani Galangga sa panayam ng ABS-CBN News.

Umabot sa 3,000 walis tingting ang binili ni Galangga sa mga karabangay.

Nang makita ang kaniyang programa sa social media, isang kakilala ni Galangga ang bumili ng mga walis.

Ginamit ni Galangga ang pera para maibili ng grocery, bigas at school supplies ang mga kabarangay.

Katuwang ni Galangga ang pamangkin niyang nandito sa Pilipinas para ipamahagi ang dagdag na tulong sa mga kabarangay.

Ayon kay Galangga, binibigyang halaga rin ng kaniyang "walis tingting challenge" ang tiyaga at sipag sa paghahanapbuhay ng mga kabarangay.

Milya-milya man ang layo sa Pilipinas at nasa gitna man ng pandemya, hindi umano magsasawa si Galangga na tumulong para sa mga nangangailangang kabarangay.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.