ALAMIN: Ano ang Anti-Age Discrimination Act | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ano ang Anti-Age Discrimination Act

ALAMIN: Ano ang Anti-Age Discrimination Act

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 17, 2019 04:32 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kamakailan ay nagwagi ng $28 milyon na danyos ang isang 58 anyos na babae sa Amerika dahil sa isinampa niyang "age discrimination" case laban sa mga dati nitong employer.

Dito sa Pilipinas ay ilang taon pa lamang mula nang naisabatas ang RA 10911 o mas kilala sa Anti-Age Discrimination in Employment Act.

Ginagarantiya ng batas ang proteksiyon laban sa hindi makatarungang pagtrato dahil sa edad.

Ayon sa isang abogado, saklaw ng batas ang mga matagal nang nagtatrabaho o mga may hawak ng senior na posisyon sa gobyerno at pribadong sektor.

ADVERTISEMENT

"Ang mga nakatatanda [na binabanggit] dito, hindi kailangan senior citizen," ani Atty. Noel Del Prado.

"Kumbaga sa opisina, kung ikaw iyong bagong pasok, ito 'yong inabutan mo na, 'yong matatagal na sa opisina at medyo may pagka-senior," paliwanag niya.

Nagsisilbi ang batas bilang pangunahing pananggalang sa hindi pantay na benepisyong ibinibigay bunsod ng edad.

"Pag pinag-uusapan ang workplace o opisina, andiyan ang suweldo, benepisyo, training at kung ano pang mga natatanggap mula sa pagiging empleyado," dagdag ni Del Prado.

Bukod sa trabaho, sakop din ng batas ang mga labor group na nagtatanggal ng miyembro dahil pa rin sa edad.

Saad pa ni Del Prado, kung nakararamdam ng diskriminasyon sa pinagtatrabahuan bunsod ng edad ay maaaring humingi ng tulong sa National Labor Relations Commission (NLRC).

Kung mapatutunayang nagkasala ay puwedeng patawan ng danyos mula P50,000 hanggang P500,000. Maaari ring may kasamang pagkakakulong na mula 3 buwan hanggang 4 na taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.