Babaeng kinutya dahil sa edad, wagi ng $28 milyon sa kaso vs dating employers | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng kinutya dahil sa edad, wagi ng $28 milyon sa kaso vs dating employers

Babaeng kinutya dahil sa edad, wagi ng $28 milyon sa kaso vs dating employers

ABS-CBN News

Clipboard

Nagwagi ng tumataginting na $28 milyon na danyos ang isang 58 taong gulang na babae sa Los Angeles, California matapos siyang panigan ng husgado sa kasong "age discrimination" na isinampa niya laban sa dating employers.

Ayon kay Carney Shegerian, abogado ng biktima, maaaring ito na ang pinakamalaking bayad-pinsala na ibinigay sa naturang uri ng kaso sa kasaysayan ng Los Angeles County jurisdiction.

Kuwento ng biktimang kinilalang si Codie Rael, napilitan siyang magbitiw sa trabaho matapos ang pang-aabusong dinanas niya sa mga boss sa Sybron Dental Specialties at KaVo Kerr Group, na pag-aari ng Washington-based medical tech company na Danaher.

Nagtrabaho si Rael bilang materials buyer at planner para sa Sybron at KaVo Kerr sa iba't ibang lokasyon sa southern California pero napilitan siyang magbitiw noong Oktubre 2014.

ADVERTISEMENT

Ayon sa kaniya, hindi na niya matiis ang mga kutya sa kaniyang edad tulad ng "outdated ka na," "kailangan namin ng mas batang empleyado," at "bobong babae" na kadalasan niyang naririnig sa mga supervisor.

Bunsod ng stress, nag-resign siya at kalaunan ay pinalitan ng isang lalaking nasa 20's, ayon sa court papers.

Inatasan ng Los Angeles Superior Court ang mga kompanya na bayaran si Rael ng $28 milyon, bukod pa sa $3 milyong compensation award na iginawad sa kaniya sa parehong kaso.

"Hindi ko ito inaasahan," ani Rael sa labas ng courtroom habang pinipigilan ang kaniyang pagluha.

Ayon pa sa desisyon ng jury, biktima talaga ng age harassment, wrongful termination, at retaliation si Rael, at umakto ng may panggigipit, malisya, at panloloko ang kaniyang dating employer.

--Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.