TINGNAN: Rizal bust sa Paris, pinasinayaan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Rizal bust sa Paris, pinasinayaan

Bong Agustinez | TFC News France
Published Jun 28, 2022 10:16 AM PHT

PARIS - Opisyal na pinasinayaan ang bust relief ni Gat Jose Rizal sa plaza ng pambansang bayani, 37 Rue Maubeuge, 9th District, Paris, France, nitong Linggo, June 26, matapos maantala ng ilang araw.

Pinangunahan ng Deputy Mayor ng Paris at Mayor ng 9th District Dephine Burkli at Philippine Ambassador to France Junever Mahilum-West ang unveiling ceremony.

Dumalo rin ang Knights of Rizal (KOR) mula sa iba-ibang bansa tulad ng The Netherlands, Italy, Czech Republic at ibang parte ng France, tulad ng Cote de Azur.

Ang Rizal bust ay magsisilbing simbolo ng pagkakaibigan ng Pilipinas at France. Pansamantalang naging tahanan ni Rizal ang Paris noong siya’y nag-aaral ng ophthalmology noong 1883.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT