Sunog sumiklab sa SM Megamall

ABS-CBN News

Posted at Jun 28 2018 08:23 PM | Updated as of Jun 29 2018 04:00 AM

Nabalot ng makapal na usok ang basement parking area ng SM Megamall matapos sumiklab ang sunog Huwebes ng gabi. Larry Piojo

MAYNILA (5th UPDATE)—Sumiklab ang sunog sa basement ng isang construction site katabi ng SM Megamall sa Mandaluyong Huwebes ng gabi, dahilan para pumasok ang makapal na usok sa loob ng nasabing mall.

Pahayag ng SM Supermalls, isang bahagi lang ng mall ang apektado ng usok mula sa lugar ng insidente.

"There is a fire incident happening in the construction site outside SM Megamall. Our Emergency Response Team, together with the Bureau of Fire Protection are already managing the situation. Only a portion of the mall is affected by smoke coming from the site. We are taking all precautionary measures to ensure the safety of everyone in complex," anila.

Ayon sa Mandaluyong City Central Fire Station, nagsimula ang apoy alas-7:30 ng gabi na kaagad iniakyat sa ikatlong alarma alas-7:47 ng gabi. 

Mahina na ang usok mula sa nasunog na basement ng construction site alas-11 ng gabi. 

Idineklara nang fire out ng BFP ang sunog ala-1:30 Biyernes ng madaling-araw matapos ang 6 na oras.

Dalawang kustomer ng mall ang isinugod sa ospital ng Philippine Red Cross dahil sa nahirapan sa paghinga. 

Ayon kay Larry Piojo, isang testigo, pinababa na ng basement Level 1 ang mga motoristang may sasakyan sa apektadong parking area.

Pinalikas din ng mga guwardiya ang mga tao sa mall, lalo na sa SM Megamall Fashion Hall kung saan makapal ang usok.

Ayon kay Senior Supt. Moises Villaceran Jr., hepe ng Mandaluyong City police, patuloy pa nilang inaalam kung may nasaktan sa insidente.

Pinalilikas ng mga guwardiya ang publiko at mga empleyado mula sa mall matapos sumiklab ang sunog sa katabing construction site nito. Larry Piojo

Makikita ang makapal na usok sa labas ng gusali ng SM Megamall nang sumiklab ang sunog. Fire Alert Metro Manila

Rumesponde ang ilang bombero sa sunog sa construction site na katabi ng SM Megamall, Huwebes ng gabi. Larry Piojo

Inapula ng mga bombero ang sunog sa construction site na katabi ng SM Megamall, Huwebes ng gabi. Mark Demayo, ABS-CBN News

Watch more in iWant or iWantTFC

Watch more in iWant or iWantTFC

Kuha ni Hanz Cua

I-refresh ang pahinang ito para sa updates. -Ulat nina Fred Cipres at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.