3 patay, halos 100 tinamaan ng typhoid sa Barili, Cebu | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 patay, halos 100 tinamaan ng typhoid sa Barili, Cebu

3 patay, halos 100 tinamaan ng typhoid sa Barili, Cebu

ABS-CBN News

Clipboard

Tatlo na ang namatay at umabot na sa 98 ang kaso ng typhoid fever sa Barili, Cebu mula Marso hanggang Hunyo ngayong taon.

Napuno na ang Barili District Hospital na may kasalukuyang 25 na naka-admit dahil sa sakit.

Mga bata ang karamihan sa nagkakasakit na nakararanas ng pananakit nga tiyan, diarrhea, at lagnat.

Pinulong nitong Lunes ni Barili Mayor Julito Flores ang mga lokal na opisyal ng bayan at Philippine Red Cross dahil sa sitwasyon.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Mary Jane Pañares, tagapagsalita ng bayan ng Barili, tinutulungan sila ng probinsya at Red Cross upang matugunan ang mga pangangailanan ng ospital, kagaya ng hospital beds, IV fluids stand at mga bitamina para sa mga pasyente.

Ani Pañares, ipinatitigil na din ng bayan ang operasyon ng dalawang water sources na kontaminado, ayon sa isinagawang pagsusuri.

Naglilibot din ang mga tauhan ng municipal health office sa mga barangay upang masigurong malinis ang iinuming tubig ng mga residente, aniya.

Ayon kay Flores, hindi kailangan magdeklara ng outbreak dahil manageable pa naman ang sitwasyon.—Ulat ni RC Dalaguit De Vela

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.