Kampo ng 'Pride 20' balak maghain ng kontra-demanda vs umarestong pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kampo ng 'Pride 20' balak maghain ng kontra-demanda vs umarestong pulis

Kampo ng 'Pride 20' balak maghain ng kontra-demanda vs umarestong pulis

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Plano ng kampo ng tinaguriang “Pride 20” na kasuhan ang mga pulis na dumakip sa kanila sa umano’y marahas na tugon ng mga awtoridad sa kanilang protesta sa Maynila nitong Biyernes.

Ang grupo ay binubuo ng 20 miyembro at kaalyado ng LGBTQIA+ community na inaresto sa Mendiola sa gitna ng Pride March dahil umano sa paglabag sa kinakailangang physical distancing sa ilalim ng umiiral na general community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon sa abogadong si Minerva Lopez, kinatawan ng grupo, maghahain sila ng kontra-demanda laban sa mga pulis na umaresto sa mga aktibista.

Iginiit ni Lopez na walang nilabag sa batas ang mga inaresto.

ADVERTISEMENT

“Ang posisyon namin walang nalabag na batas, even sa mga isinampang kaso ng mga pulis walang violation, walang crime na na-commit dun sa mga charged na crime na isinampa sa mga rallyist,” ani Lopez.

Biyernes ng hapon nang arestuhin ang “Pride 20” sa isa sanang makulay at mapayapang Pride march ng grupong Bahaghari sa Mendiola.

Nasugatan ang ilang nahuli at may na-hijack pa umano ang pulis na sasakyan ng mga sumama sa protesta.

Nahaharap sa paglabag sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act at Article 151 o Disobedience to Authority ang mga aktibista. Iginiit din noon ng pulis na lumabag sa physical distancing ang mga nagprotesta, bagay na pinabulaanan ng grupo.

Una nang iginiit ng grupo at ng ilang rights groups na ilegal ang pag-aresto sa kanila dahil nakasaad sa Saligang Batas na may karapatan ang sino man na maglabas ng kanilang hinaing.

Umaasa ang kampo ng Pride 20 na maglalabas ng resolusyon ang pisikalya sa reklamo para makapagpiyansa na ang grupo.

Nakatakdang dinggin ng pisikalya ang reklamo laban sa mga aktibista sa Lunes, Hunyo 29.

— Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.