1,200 pamilya nasunugan sa Mandaue | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1,200 pamilya nasunugan sa Mandaue

1,200 pamilya nasunugan sa Mandaue

Leleth Rumaguera at Donna Lavares,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 27, 2019 07:49 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANDAUE (3rd UPDATE) -- Nasunog ang tahanan ng nasa 1,200 pamilya sa lungsod na ito sa lalawigan ng Cebu, Huwebes ng madaling-araw.

Dakong ala-1 ng umaga nagsimula ang sunog sa Sitio Basubas at Maharlika sa Barangay Tipolo, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Naapektuhan ng apoy ang hindi bababa sa 500 bahay, gayundin ang 5 classroom sa Tipolo National High School, dahilan para suspendihin ang klase doon.

Nasunog ang isang residential area sa Mandaue City, Huwebes. ABS-CBN News

Nasunog ang isang residential area sa Mandaue City, Huwebes. ABS-CBN News

Nasunog ang isang residential area sa Mandaue City, Huwebes. ABS-CBN News

Naiulat na nawawala ang 3 bata at pinangambahang na-trap sa kanilang nasusunog na bahay. Pero nahanap din sila kinalaunan at nadiskubreng sumama sa kapitbahay dahil sa pagmamadali.

ADVERTISEMENT

Umabot ang sunog sa Task Force Bravo, na nangangahulugang kinailangan ng mga awtoridad ng tulong mula sa mga bombero ng mga karatig-lugar tulad ng Lapu-Lapu City, Cordova, Consolcion, at Talisay City.

Naapula ang apoy pasado alas-9 ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog at halaga ng iniwan nitong pinsala.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.