P23-M cash nakumpiska sa kompanyang dawit umano sa investment scam | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P23-M cash nakumpiska sa kompanyang dawit umano sa investment scam

ABS-CBN News
Published Jun 27, 2019 12:55 PM PHT

Nilusob ng mga awtoridad ang safe house ng isang investment company sa Nasipit, Agusan del Norte, kung saan narekober nila ang tinatayang P23 milyong cash at iba pang kagamitan.

Ikinasa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, Nasipit Municipal Police Station, at 4th Infantry Division ng Philippine Army ang operasyon laban sa FRX Rice Trading Investment.

Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng mga ulat na nagkakaroon ng pay-out sa opisina ng kompanya.

Walang naaresto sa nasabing safe house dahil nakatunog umano ang mga empleyado nito.

ADVERTISEMENT
Bukod sa bulto-bultong pera, nakarekober din ng 3 money counting machine at mga dokumento.

Sabi ni Police Lt. Col. Chulijun Caduyac, hepe ng CIDG-Region 13, paglabag sa Securities Regulation Code of the Philippines ang ginagawa ng kompanya.

Magsasagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad.

—Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT