Dose-dosenang bala, mga bahagi ng baril, natagpuan sa donasyon para sa Marawi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dose-dosenang bala, mga bahagi ng baril, natagpuan sa donasyon para sa Marawi

ABS-CBN News
Published Jun 27, 2017 11:04 AM PHT
|
Updated Jun 27, 2017 11:23 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
May 159 na bala ng .9mm at ilang bahagi ng baril ang natagpuan sa isang bag ng relief goods, Lunes ng gabi sa Mandaluyong City. Ipadadala sana sa mga 'bakwit' mula Marawi City ang mga donasyong ito.

Inaayos umano ni Mohaimen Mutalib sa kanyang condominium unit ang mga donasyong nakalap niya para sa Marawi nang madiskubre niya ang mga bala at bahagi ng baril na nakabalot sa isang ecobag sa loob ng isang kahon.

Isinuko niya sa pulisya ang mga bala ng .9mm, isang magasin, holster, hand grips, at panlinis ng baril na nasa loob ng isang ecobag na nagmula sa isang AJ Salvani Cabarubbia.

Ayon kay Mutalib, nagpatawag siya ng mga donasyon para sa mga apektado ng bakbakan sa Marawi, at hindi niya inaasahang makakikita ng mga bahagi ng baril sa mga relief goods na matatanggap niya.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

-- Ulat nina April Rafales at Michael Delizo, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT