Bagong disenyo ng jeepney, inilabas ng DTI | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong disenyo ng jeepney, inilabas ng DTI

Bagong disenyo ng jeepney, inilabas ng DTI

Alvin Elchico,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 28, 2017 12:58 AM PHT

Clipboard

Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang prototype ng bagong public utility jeepney nitong Martes.

Ayon sa DTI, tatawagin itong "Eco Philippine Utility Vehicle."

Kinumpirma ng ahensya na hanggang 22 katao ang pasahero na kakasya sa sasakyan.

Dagdag nito, ang bagong disenyo ay mukhang mini bus, pero ang entry at exit ay nasa kanang gilid.

ADVERTISEMENT

Nilinaw ng DTI na hindi pa rin pinal ang disenyo. Depende raw sa manufacturers ang magiging harapan ng sasakyan.

Hanggang Agosto 15 maaaring magsumite ang stakeholders ng kanilang pahayag sa bagong draft standard ng Philippine jeepney, isang sasakyang natatangi sa Pilipinas.

Isusumite ng ahensya ang standards sa Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng pinal na desisyon.

Paliwanag ni DTI Undersecretary Ted Pascua, hindi pa rin nadedesisyunan kung air-conditioned o hindi ang jeep, kung automatic o manual ang makina, at kung saan kukunin ang makina at under chassis nito.

Depende na raw sa DOTr kung alin ang mapagkasunduang disenyo.

Paliwanag ng DTI, kapag naaprubahan na ang bagong standards, hindi na pasok ang kasalukuyang design ng jeep na sa likod ang pasukan.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.