DOH, inihahanda na ang mga ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH, inihahanda na ang mga ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

DOH, inihahanda na ang mga ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 26, 2022 06:30 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA -- Inihahanda na ng Department of Health (DOH) ang healthcare system ng bansa sakaling dumami ang mao-ospital ngayong tumataas ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health spokesperson Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nananatiling mababa ang paggamit ng mga ospital dahil karamihan ng mga nagpopositibo sa virus ay mild hanggang moderate lang ang sintomas.

Sa datos mula sa DOH, nasa 17.7 porsyento ang bed utilization sa buong bansa, o 5,270 sa 29,701 kama lamang ang okupado.

“Inihahanda na po ng Kagawaran ng Kalusugan ang ating healthcare system, katulad po ng ating mga ospital, ng ating mga local governments, pati na rin po ang ating komunidad para kung saka-sakali pong tataas, tayo po ay laging handa," ani Vergeire.

ADVERTISEMENT

Naniniwala ang DOH na dumarami ang mga kaso ngayon dahil sa pagpasok ng mga mas nakahahawang subvariant ng omicron, humihinang bisa ng bakuna, at ang hindi pagsunod ng mga tao sa minimum public health standards.

Sa taya ng ahensya, bumaba ng 21 porsyento ang pagsunod ng publiko sa health protocols sa mga nakalipas na linggo.

“These are the three things that were included into our assumptions. And katulad nga po ng sabi natin, kailangan lang patuloy po tayong mag-comply sa minimum public health standards and also magpabakuna na po tayo," ani Vergeire.

Nitong Sabado, umabot sa 777 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, ang pinakamataas mula noong Marso 6. Nasa 353 ang galing sa Metro Manila.

-- Ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.