VIRAL: Ina lumikha ng 'basahan cake' para sa ika-7 kaarawan ng anak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

VIRAL: Ina lumikha ng 'basahan cake' para sa ika-7 kaarawan ng anak

VIRAL: Ina lumikha ng 'basahan cake' para sa ika-7 kaarawan ng anak

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Dahil walang pambili ng cake para sa ika-7 kaarawan ng anak, naisip ng isang ina na lumikha ng kakaibang cake para maramadaman nito ang kaniyang kaarawan.

Viral sa social media ang naging post ni Rosalyn Fernandez kung saan makikitang ipinatong niya ang mga ibinebentang basahan para makabuo ng “cake” para sa anak na si Angel.

Sa programang “Good Vibes” sa Teleradyo, sinabi ni Fernandez na gawa ito sa mga ibinebenta niyang basahan.

Umaaray kasi aniya ang kanilang pamilya sa pandemya kaya naisip niya ang munting paraan para mas mapasaya ang anak sa kaarawan nito.

ADVERTISEMENT

“[Gumawa] ako basahan noong kaarawan niya. Ang naisip ko ang basahan ibibigay na cake kay Angel para maimagine niyang mayroon siyang cake,” ani Fernandez sa programa.

Matapos mag-viral ang post ni Fernandez, agad umano siyang nilapitan ng mga nais magbigay ng pagkain at iba pa para mas mapasaya ang kaarawan ng anak.

May ilan aniyang nagdala ng mga cake, at may taga-Canada rin umanong nag-donate sa kanila ng pera pambili ng palabok.

May mensahe naman si Fernandez para sa anak.


“Sana po mag-aral siya nang mabuti tapos po sana maging malakas ang katawan niya… Iyon po ang [wish] ko sa birthday niya,” ani Fernandez.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.